November 22nd, 2008
Parang (Baliw) Tayo.
Gusto kong basahin isip mo nung umupo ka sa tabi ko at nakipayong sa payong kong maganda.
Ngunit, hindi ako vampire. Haha.
Gusto kong basahin isip mo habang nakaupo ka sa tabi ko at nakatingin sa kawalan, at siyempre pa sa ilalim ng payong kong maganda.
Ngunit, hindi nga ako vampire. Haha.
Gusto kong basahin isip mo nung umupo ka ulit sa tabi ko at...wala lang..andun ka lang..hehe.
Ngunit, hindi talaga ako vampire. Haha.
Gusto kong basahin isip mo nung sinabi mong uuwi ka na tas ngumiti lang ako.
Gusto kong basahin isip mo nung nakita kita sa peripheral vision ko na nakatingin ka pa rin habang lumalaki na ang distansya sa pagitan natin habang naglalakad tayo patungo sa magkaibang direksyon.
Gusto kong basahin isip mo nung isang hakbang na lang ay nasa labas na ako nang bigla mo akong tinawag.
Gusto kong malaman kung bakit ka ulit sumunod.
Kaso nga, pano ko malalaman e hindi ko nga mabasa isip mo..
Ewan ko ba.
Ewan ko ba kung bakit type kita, 'di ka naman gwapo.
Nyahahaha.